Bakit Tayo Naririto ?
( Filipino Cultural Heritage Youth Camp Poem )
Nagtitipon tayo ngayon, ano nga ba ang dahilan ?
Ano kayang suliranin ang bibigyang kalutasan ?
Panahon, lakas at salapi’y gugulin ng kabataan
Sana’y maging matagumpay, maganda ang kahinatnan.
Nasa ibang bansa tayo, nguni’t di dito nagmula,
Ang lahi ng Pilipinong kasaysayan ay dakila
At kahi’t na mahal natin bansang itong masagana,
Hindi dapat malimutan sariling kultura at wika.
Sapagka’t lahat nang ito, ang siyang matibay na tanda
Ng magiting nating lahi, na dapat na ibandila
Ang lahat nang magagandang ugali, kilos at gawa,
Kailangang paunlarin dito sa’ting bagong bansa.
Kaya tayo’y magkaisa, itong wika’y pag-aralan
Gamitin kahi’t na saan, lalo sa ating tahanan,
Sa sining laro at sayaw, damdamin ay ipahayag
Makatutulong sa lahat, at gagabay sa pag-unlad.

Sinulat ni Gng. Leticia R. Cunanan
Comments