Agosto- Buwan ng Wika

Naging pagkatuklas ang nangyari sa huling Sabado ng pagdiwang ng Buwan ng Wika (BNW).  Sa mga  hindi nakadal ang buod ng pagdiwang ay isinalaysay po ni Aida Basto, pinuno ng Komite ng Wika:

PLCAA Glee Club :  Umawit ng Advance Australia Fair, Bayang Magiliw at Ang Pipit.
Panatang Makabayan : Marie Bandayrel
Awit:   Mga mag-aaralng PCFS , umawit ng  Leron Leron Sinta.
Konsuladong Opisyal ng Administrasyon  Ginoong Jose Morales - Nagpapasalamat sa apat na linggong pagdiriwang at  pagpapahalaga sa BNW

Mensahe:  Aida Basto-  Namuno sa komite ng BNW
Bating Panimula - Danny Rosales -  Nagsalaysay ukol sa  pagdiriwang ng Buwan Ng Wika, mula isang linggo hanggang naging isang buwan.
Bating Pangwakas - Dra Alexis Leones - Namangha sa natuklasang kakayahan sa pag gamit ng wikang Filipino ng mga mag-aaral,   Komite ng BNW,  pamunuan ng PCFS at PLCAA.
                                  
Nagpasalamat sa lahat ng mga dumalo  at tumulong  sa pagdaos ng BNW.
Marie Bandayrel, Divina Ibarra, Estela de Juan - Namahala sa mga mag-aaral sa tatlong magkakasunod na linggo ng paligsahan.  

Chiqui Despy -  Tagapagsalita sa Palatuntunan ng BNW




Mensahe:

Magandang umaga sa kapuwa PLCAA, PGC, pamunuan ng PCFS, mga mag-aaral, mga magulang, kagalang-galang na mga panauhin, Ginoong Jose Morales, Pinuno sa Pangngasiwa ng Konsulado ng Pilipinas, at Federal Member for Lindsay , David Bradbury, at lahat ng mga dumalo.

Ang PCFS, kaugnay ng PLCAA ay lubos na nagpahalaga sa Wikang Filipino sa makabuluhang pagsasanay na angkop sa pagdiriwang ng BNW na gaganapin taon taon, mula ngayon.

Puspusan ang paghahanda ng mga mag-aaral ng PCFS sa tulong ng mga pahina ng  1.Salawikain, 2. Isang Kataga-Maraming Kahulugan  3. Dalawang Kataga-Isang Kahulugan, at 4. Isagawa Ito.  Tagumpay ang tatlong magkakasunod na linggo ng patimpalak sa pagbaybay, pagbigkas, pagsasagawa at pagbibigay ng tamang kahulugan sa bawat salita.  Patunay lamang na ang pinakamabisa at pinakmadaling paraan ng pag-aaral ay ang ipatupad ito sa kawili-wiling pamamaraan tulad ng laro at paligsahan.

Tinalakay din ang Salawikaing Pilipino, mga salita ng karunungan na namana natin sa ating mga ninuno.  Mga kaalamang gabay natin sa pag-araw araw na buhay.  Mga aral ng katalinuhan na magiging patnubay sa tamang landasin at pananaw sa kinabukasan.

Maging ang PLCAA ay nagkaroon ng patakaran na sa loob ng isang buwan, Filipino ang gagamiting salita sa paghahatid ng balita at talastasan. Tunay na sa puso natin, naroroon ang likas na pagmamahal sa wikang nagbubuklod sa ating mga Pilipino, ang ating Wikang Pambansa.

Maraming salamat po.  Ang inyong lingkod, 
Aida Basto -Pinuno ng Komite Ng Pambansang Buwan Ng Wika.


Comments