MENSAHE SA PAGDIWANG NG
KAARAWAN NI KRISTO AT
PAGSALUBONG SA BAGONG
TAON
Malugod kong binabati ang lahat ng kasapi ng Philippine Language and Culture
Association of Australia (PLCAA) sa
okasyong ito na ating ipinagdiriwang ang Pasko at Bagong Taon. Binabati ko rin ang lahat ng panauhin ng
PLCAA.
Habang
kayo’y nagtitipon-tipon, nawa’y ang biyaya na galling sa ating Panginoon ay patuloy
na magdulot sa inyo ng lakas, kapayapaan, at kasayahan. Gunitain natin ang
nakalipas na taon at tayo’y magpasalamat sa lahat ng kabutihan na ating
naipaabot sa ating kapwa at sa mga biyaya na patuloy nating natatanggap galing
lamang sa Kanya.
Isaias 9:6: Sapagkat
isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang
pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang
Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Ito
ang sentro ng ating pagdiwang ng Pasko – ihanda natin ang ating sarili sa
pagsalubong sa sanggol na si Kristo at atin ring paghandaan ang isang taon na
puno ng hamon at pag-asa para sa ating lahat.
Sa
inyong pagharap sa bagong taon, nawa’y lalo pa kayong maging matapat sa layunin
ng PLCAA at sa inyong mga tungkulin bilang kasapi ng isang organisasyon na
patuloy na magtataguyod ng mabuting kapakanan ng lahat ng Pilipino sa New South
Wales. Sana ay magka-isa tayong lahat sa hangaring ito upang lalo pang lumakas
ang ating samahan para sa ikabubuti ng ating mga kababayan.
Taos
puso ko kayong pinasasalamatan sa kooperasyon na inyong ipinakita para sa mga
programa ng Konsulado. Idinadalangin ko na ang ating magandang samahan ay lalo
pang tumibay at umunlad sa darating na mga taon.
May the spirit of peace
and the Lord’s blessings be upon us all this Christmas.
Maligayang
Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!
ANNE JALANDO-ON LOUIS
Consul General
Comments